Ang Bureau of Customs '(BOC) na bagong Pasok sa Customs Operations Center ay binisita ng Kagawaran ng Pananalapi na si Kalihim Carlos G. Dominguez at Undersecretary Antonette C. Tionko noong Enero 5, 2021. Ipinakita ng Bureau of Customs Commissioner na si Rey Leonardo B. Guerrero ang bagong pinasinayaan na Customs Operations Center sa pamamagitan ng isang audio-visual na pagtatanghal tungkol sa pasilidad at iba`t ibang tungkulin. Sinundan ito ng isang pagpapakita sa mga gawain sa gawain at gawain na isinasagawa araw-araw tuwing dalawa (2) oras ng isang pinaghalo na koponan mula sa mga tanggapan ng Intelligence, Enforcement at Port Operation. Ang Pinuno ng pasilidad ay si BGen Noli Samarita (Ret.). Ang Customs Operations Center ay isang ideya upang mailagay ang iba pang mga intelihensiya, pagpapatupad, pamamahala ng peligro at pag-scan ng mga system ng Bureau. Nilalayon nitong mapahusay ang mga pasilidad at kakayahan ng Bureau. Gumagawa ito bilang utos at ko...
Ayon sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte nais nyang bigyan ang ilan pang mga nasa GCQ na Pamilyang hindi pa nabigyan ng Ayuda o hindi napasali sa programang ito.
Naghahanap ng paraan ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) hindi lang ang mga nasa enhanced community quarantine (ECQ) kundi maging ang mga nasa lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Noong nakaraan una ng sinabi ni Roque
na mula sa 18 milyong pamilya, naging 23
milyon na ang benepisyaryo ng SAP
ngunit limitado nalang ang pondo ng
programa para sa mga nakatira sa ECQ areas.
Dahil dito, ayon kay Roque, inutusan ng Pangulo si Budget secretary Wendel Avisado na maghanap ng mapagkukunan ng pondo upang mabigyan din ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa mga GCQ areas.
"Nakapag- usap kami kagabi ni Presidente, at inatasan niya si Budget Secretary Wendel Avisado na tuliin ang budget, meaning hanapin sa budget ng agencies kung may pwede ire-align para sa second tranche [para sa GCQ areas]," sambit ni Roque.
Dagdag pa ni Roque, pinag-aaralan ngayon kung kakayaning isama ang GCQ areas sa second tranche ng SAP ngunit paglilinaw niya, hindi nakatitiyak kung makakatanggap pa rin ng P5,000 hanggang P8,000 na tulong ang mga benepisyaryo.
Sinabi rin ni Roque na makikipag-ugnayan din ang Pangulo sa kongreso upang maghanap ng karagdagang budget para sa second tranche ng SAP.
MORE ON NEWS: Antipolo Standard
Comments
Post a Comment